Mag-log in para makakuha ng 50 puntos (0.50 USD) + 1 puntos (0.01 USD) 
Identity V Top Up
IDV Top Up Cheap Echoes – Pinakamahusay na mga Presyo at Kasama ang Bonus na mga Echo
Mga Impormasyong Kailangan para sa IDV Top Up
Bago ka makapag-top up ng Identity V Echoes sa BuffBuff, kailangan mong ibigay ang mga sumusunod na detalye:
- Identity V Account UID: Ito ang natatanging serye ng mga numero na nakatali sa iyong account. Inirerekomenda naming i-copy at paste ang UID para maiwasan ang typo at hindi magkaproblema sa recharge.
- Mga Katugmang Platform: Ang Echoes top-up sa BuffBuff ay available para sa Android, iOS, at Windows PC versions ng Identity V.
Paano Hanapin ang Iyong Identity V UID
Sundin ang gabay na ito para mahanap ang iyong Identity V UID:
Step 1: Buksan ang Identity V sa iyong mobile device o PC.
Step 2: Mag-log in sa iyong account kung kinakailangan.
Step 3: Sa main screen ng laro, i-tap ang gear icon sa kanang bahagi sa itaas para buksan ang “Settings”.


Step 4: Sa main settings page, makikita mo ang iyong in-game Name, at ang “ID” na may kasunod na mga numero. Ito ang iyong UID na gagamitin para sa Identity V Echoes top up sa BuffBuff!
Pro Tip: Hindi nagbabago ang iyong Identity V UID at permanenteng nakakonekta sa iyong account. Para mas mabilis ang mga susunod mong IDV top up, isulat ito o i-save sa notes app ng iyong telepono!
Paano Mag-recharge ng Echoes sa Identity V
Mabilis at madali lang mag-IDV top up sa BuffBuff:
Step 1: Piliin ang halaga ng Echoes na gusto mong bilhin.
Step 2: I-enter ang iyong Identity V UID sa nakalaang field sa kanang bahagi ng menu.
Step 3: Ilagay ang iyong email address para sa BuffBuff transaction.
Step 4: Piliin ang iyong gustong payment method at kumpletuhin ang bayad.
Step 5: Sa loob lang ng ilang minuto, papasok na ang Echoes direkta sa iyong account!

Kailangan mo ba ng IDV top up para ma-unlock ang mga bagong costume, pinakabagong character, o event-exclusive skins? May mga sulit na handog ang BuffBuff para sa murang Identity V top up—mabilis, ligtas ang transaksyon, at may bonus Echoes pa sa mga piling bundle!
Presyo at mga Discount sa BuffBuff!
Ang pag-top up ng Echoes sa Identity V ay ang pinakamabilis na paraan para mapalakas ang iyong account. Baka may pinupusuan kang bagong premium cosmetic, matagal nang inaasam na costume, o gusto mong makuha ang pinakabagong Hunter para sa iyong roster.
Kaso, habang tumatagal ay nagiging mas mahal at matagal makuha ang mga costume, accessory, at crossover items kung aasa lang sa normal na gameplay.
Sa mabilis na Echoes recharge, mae-enjoy mo nang husto ang lahat ng tampok sa laro—mula sa mga eksklusibong costume, pagpapaganda ng estilo ng iyong Survivor/Hunter, o pagbili ng mga high-value bundle para manatiling nangunguna sa laro.
Mga Echoes Purchase Bonus sa Identity V
Walang first-time purchase bonus para sa Echoes recharge ang Identity V. Gayunpaman, mayroon silang mga sulit na system para sa mga bagong manlalaro na maaari mong magamit pagkatapos mag-top up:
- Beginner Special Character Package: Isang promo kung saan maaari kang pumili ng 1 sa 10 character para ma-unlock nang permanente. Karaniwan itong nagkakahalaga ng 688/858 Echoes, pero sa promo na ito, makukuha mo ang bagong character sa halagang 99 Echoes na lamang.
- Beginner Costume Package: Maaari kang pumili sa dalawang alok: Isang A-rarity costume na karaniwang nagkakahalaga ng 1388 Echoes na may 78% discount kaya 300 Echoes na lang, o isang B-rarity costume na karaniwang nagkakahalaga ng 318 Echoes na may 81% discount kaya 60 Echoes na lang.
Tandaan na ang dalawang 'beginner' deal na ito ay maaari lamang bilhin nang isang beses bawat account.
Paalala: Ang dalawang “Beginner” promo sa itaas ay depende sa availability sa iyong rehiyon. Maaaring hindi ito available sa lahat ng bansa. Pakitingnan ang in-game store para malaman kung pwede ito sa iyong rehiyon.

Tungkol sa Identity V Top Up
Ang Identity V ay isang kapana-panabik at free-to-play na 1v4 asymmetric horror game na binuo at nilathala ng Chinese studio na NetEase Games. Ito ang kauna-unahang horror game sa kanilang listahan, ngunit subok na sila pagdating sa mobile gaming sa paglunsad ng mga sikat na titulo tulad ng Onmyoji, Destiny: Rising, at Knives Out.
Sa kasalukuyan, maaaring laruin ang Identity V sa iOS, Android, at Windows PC. Nakahatak ito ng dambuhalang global fanbase dahil sa kakaibang gothic aesthetic nito, mga cute na puppet-like characters, mabilis at nakakakabang matches, at walang humpay na crossover events kasama ang mga sikat na franchise.
Saan Kadalasang Ginagamit ang Echoes sa Identity V?
Ang Echoes ang premium currency sa Identity V, at ito ang pinaka-kailangan mo para makuha ang pinakamagagandang content sa laro:
- Ang Pinaka-Rare na Costumes: Ang mga SS-Tier at S-Tier na costume ang pinaka-pinag-aagawang cosmetics sa laro na nagbibigay ng kakaibang porma sa iyong mga karakter. May kasama rin silang mga special golden o animated cards, unique poses, at iba pang special effects na hindi mo makukuha sa mga ordinaryong skin.
- Mga Limited-Event Cosmetic: Madalas magkaroon ang Identity V ng mga seasonal event, themed celebration, at crossover na nag-aalok ng mga time-limited na costume, accessory, graffiti, portrait, at marami pang iba. Ang hirap sa mga cosmetic na ito, kapag natapos na ang event ay madalas na hindi na sila bumabalik. Kaya naman kailangang gamitin ng mga manlalaro ang kanilang Echoes para direktang bilhin ang mga event-exclusive skin o mag-draw sa mga event banner bago pa ito mawala.
Mga Review ng User






















